2,240 na bagong kaso ng Covid 19 naitala sa Pilipinas

(File photo)

Aabot sa 2,240 na bagong kaso ng Covid 19 ang naitala sa bansa.

Ayon sa ulat ng Department of Health, nasa 559,120 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa naturang sakit.

Sa naturang bilang, 34,100 ang active cases, kung saan 86.7 percent ang mild, 8.2 percent ang asymptomatic, 2.3 percent ang critical at 0.68 percent ang moderate.

Nasa 504 naman ang new recoveries habang 239 ang nagdagdag sa bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan, nasa 12,068 na ang nasawi dahil sa Covid 19.

 

Read more...