New Zealand nagsimula na sa Covid 19 vaccination program

Nagsimula na ang New Zealand sa pagbabakuna kontra Covid 19.

Ayon sa ulat, gamit ng New Zealand ang bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech.

Nabatid na isang maliit na grupo ng medical professionals ang unang binakunahan sa Auckland.

Tinatayang 5 milyong katao ang target na bakunahan sa New Zealand.

Samantala, sa Australia, magsisimula na ang pagbabakuna sa Lunes, Pebrero 22.

Uunahin na bakunahan ang mga naka-hotel quarantine at mga healthcare workers.

Aabot sa 16 na vaccination sites ang inilatag ng Australia.

Target ng Australia na makabunahan ang 25 milyong katao pagsapit sa buwan ng Oktubre.

 

Read more...