Bagyong Auring napanatili ang lakas

Napanatili ng Bagyong Auring ang lakas habang kumikilos sa east direction ng Mindanao.

Taglay ng bagyo ang hangin na 75 kilometers per at pagbugso ng 90 kilometers per hour.

Ayon sa Pagasa, nanatili ang Signal Number 1 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol at Siquijor.

Nakataas din ang Signal Number 1 sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, at Lanao del Sur.

Inaasahang makararanas din ng malakas na pag-ulan ang Visayas at Mindanao.

Read more...