BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 557,058 na; Halos 2,000 ang nadagdag

Halos 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (February 19), umabot na sa 557,058 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 32,440 o 5.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,901 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsyento ang asymptomatic; 0.72 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 2.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 157 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 11,829 o 2.12 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 537 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 512,789 o 92.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...