Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Del Carmen ang mga sakay ng isang bangka na nagkaaberya sa Surigao del Norte.
Sinabi ng ahensya na tumama ang bangka sa malaking troso na palutang-lutang sa dagat sa bahagi ng Bucas Grande Island kung kaya nagkaroon ng bukas ang secondary hull ng bangka.
Nasa 19 pasahero at walong crew member ang sakay ng bangka.
Mula sa Port of Surigao City, patungo sana ang bangka sa Port of Del Carmen
Nasa maayos na kondisyon naman ang mga sakay ng bangka nang dalhin sa Port of Del Carmen.
MOST READ
LATEST STORIES