Ayon kay Ong, ang House Bill 78 o New Public Service Law ay nauna nang pinagtibay ng Kamara pero ito ay nakabinbin pa rin sa Senado.
Layunin ng New Public Service Act na tugunan ang problema nang hindi na kinakailangang baguhin o galawin pa ang Konstitusyon.
“Filipino consumers deserve the best services they can get, especially in this new normal where we are all dependent on the Internet. So many rural and remote areas remain unserviced by existing Internet subscription agencies because of the lack of infrastructure,” dagdag pa Ong.
Sa oras kasi na maisabatas ang panukala ay magbubukas ito ng mas marami at malawak na market competition tulad ng pagpapasok ng mga foreign providers o players na makapaghahatid ng mas mabilis at mas episyenteng internet service.
Tinukoy pa ni Ong na dahil sa COVID-19 pandemic ay marami ngayon ang nakadepende sa paggamit ng internet pero dahil sa liit ng kompetisyon ay nagtitiis ang mga Pilipino na magbayad ng mahal kahit pa hindi maayos ang serbisyo.
“In this digital age, the Internet has become the portal for communication, learning, and even business. As we shifted to the new normal brought by the COVID-19 pandemic, many relied on the Internet for practically everything — even our students had to learn through online classes. But because there is little competition here in the Philippines, poor services despite high charges are tolerated by the public. ‘Di dapat nating tanggapin yung ‘pwede na,’ kung pwede namang magkaroon ng better choices ang Pinoy,” giit ni Ong.
Kung mabibigyang kaluwagan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa telecommunications industry ay makakatulong ito para makapaghatid ng magandang serbisyo sa consumers at trabaho para sa mga nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.
Kapag nangyari ito ay hindi malabong pumasok sa bansa ang satellite-based internet service na “Starlink” ng SpaceX na pagmamay-ari ng pinakamayamang tao sa buong mundo na si Elon Musk.