80 pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

May 80 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 18, nasa 14,759 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,498 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

35 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,273 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa siyam naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 988 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,110 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,919 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 860 naman ang kaso sa Americas at 2,870 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...