Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (February 18), umabot na sa 555,163 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 31,115 o 5.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,744 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.6 porsyento ang asymptomatic; 0.78 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 2.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 96 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,673 o 2.10 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 412 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 512,375 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.