MO para sa advanced payment ng LGUs sa pagbili ng COVID-19, lalagdaan na

PCOO Facebook photo

Lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang memorandum order na pinapayagan ang local government units para magkaroon ng advanced payment sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, 50 percent ang limit ng advanced payment para sa mga LGU.

“Inaasahang mapipirmahan na anumang oras ngayon araw ng ating Pangulong Duterte ang memorandum order kung saan 50% limit on advanced payment para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19 ay papayagan na Dahil po sa memorandum order na ito ay makakabayad na po ng advance payment ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang mga bakuna,”pahayag ni Roque.

Sinabi ni Roque na isesertipika rin ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang indemnity bills.

Ito ang panukalang batas na magbibigay kompensasyon sa mga pasyenteng naturukan ng bakuna kontra COVID-19 at nagkaroon ng masamang epekto sa katawan.

Wala aniyang dapat na ikabahala ang publiko sakaling magkaroon ng masamang epekto kapag nabakunahan dahil may sapat na pondo ang pamahalaan para sa kompensasyon.

Read more...