Pangulong Duterte, nakiramay sa pagpanaw ni Indonesian Ambassador Dr. Sinyo Harry Sarundajang

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilyang naulila ni Indonesian Ambassador to the Philippines Dr. Sinyo Harry Sarundajang.

Ayon sa Pangulo, nawalan ng isang tunay na kaibigan ang Pilipinas sa biglaang pagpanaw ni Sarundajang.

Hindi naman nabatid kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Sarundajang.

Sinabi ni Pangulo Duterte, lalong umigting ang bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia sa ilalim ni Sarundajang.

Nabatid na 2018 nang maitalaga sa Pilipinas si Sarundajang.

Katulad ng Punong Ehekutibo, si Sarundajang ay nagsilbi ring Local Chief Executive sa Bitung North Maluku, Maluku at North Sulawesi.

Read more...