Quezon mayor inabsuwelto sa mga kaso nag-ugat sa pagtalaga sa kapatid sa posisyon

MAYOR OLI DATOR FB PHOTO

Itinalaga noong 2014 ni Lucban, Quezon Mayor Celso Olivier Dator ang kanyang kapatid na babae bilang municipal administrator.

Bunga nito, sinampahan siya sa Sandiganbayan dahil sa  paglabag sa Local Government Code at Civil Service Law.

Katuwiran ng prosekusyon, hindi kuwalipikado sa nabanggit na posisyon si Lyncelle Dator – Macandile base sa Section 480, Article X ng Local Government Code.

Ngunit sa desisyon ng anti-graft court na isinulat ni Associate Justice Lorifel Pahimna, nabigo ang panig ng prosekusyon na mapatunayan na may masamang motibo si Dator sa pagtalaga sa kanyang kapatid.

“While the irregularity in the appointment and designation of Macandile smacks of manifest partiality or evident bad faith, there is a gap in the prosecution’s evidence resulting in failure to demonstrate accused’s (Dator’s) unlawful state of mind, notorious bias, patently fraudulent and dishonest purpose in hiring his sister,” ang mababasa sa desisyon.

Gayundin, wala din sapat na ebidensiya para patunayan na nilabag ni Dator ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sumang-ayon sina Associate Justices Alex Quiroz at Zaldy Trespeses sa desisyon ni Pahimna.

Read more...