Magnitude 4.4 na lindol, naramdaman sa Davao del Sur

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol sa bahagi ng Davao del Sur, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 8 kilometers Southeast ng Magsaysay.

Naramdaman ang pagyanig bandang 9:03 ng gabi.

May lalim ang lindol na 5 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Koronadal City at Tampakan, South Cotabato
Intesity 2 – General Santos City

Instrumental Intensity:
Intensity 3 – Koronadal City, South Cotabato; Alabel, Sarangani
Intesity 2 – General Santos City
Intensity 1 – Kiamba, Sarangani

Gayunman, walang naitalang pinsala sa Magsaysay at karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...