Ilang korte sa bansa, pansamantalang isasara

Pansamantalang isasara ang ilang korte sa bansa.

Batay ito sa anunsiyo ng Supreme Court Public Information Office.

Sarado muna ang Malabon City Regional Trial Court Branch 292 mula February 17 hanggang 24, 2021.

Mula naman February 17 hanggang 25, 2021 sarado ang opisina ng MCTC Moalboal Badian Alcantara sa Moalboal, Cebu.

Sarado rin ang Guimbal, Iloilo RTC OCC at RTC Branch 72 mula February 10 hanggang 24, 2021.

Ayon sa SC, maaaring makipag-ugnayan sa mga nasabing korte sa pamamagitan ng kanilang official hotlines at email address.

Read more...