Pilipinas, kailangan ng 50,000 vaccinators para sa pagbabakuna vs COVID-19

Photo grab from DOH Facebook video

Nangangailangan ang Pilipinas ng 50,000 vaccinators para sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang isang team ay bubuuin ng anim na indibidwal.

Pero depende din aniya ito sa pangangailangan ng bawat local government unit.

Sa ngayon, 4,000 vaccinators na ang sumailalim sa training.

Kasama na rito ang pagbabakuna, pag-monitor matapos ang pagbabakuna, pagbibigay ng counselling at iba pa.

Tinatayang 1.4 milyong senior citizen at 3 milyong indigent at 164,000 uniformed personnel ang target na mabakunahan.

Read more...