Bagong wooden rail sleeper sa riles ng MRT-3 depot, sinimulan nang palitan

DOTr MRT-3 photo

Sinimulan nang palitan ang mga bagong wooden rail sleeper sa riles sa loob ng depot ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.

Ito ay bahagi pa rin ng malawakang rehabilitasyon sa nasabing linya ng tren.

Nasa 84 piraso ng new wooden rail sleepers ang naikabit simula noong Janury 12, 2021.

Target na makapaglagay ng 415 piraso nito sa buong MRT-3 depot.

Ginagamit ito upang mapagpatungan ng mga riles sa depot at maging stable ang table tracks sa pagbiyahe ng mga tren.

Read more...