Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 17, nasa 14,679 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 86 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,462 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Pito rin ang bagong gumaling kung kaya 9,238 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namanb bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 979 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,103 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 2,849 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 859 naman ang kaso sa Americas at 2,868 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.