Paglalagay sa MGCQ sa buong bansa, tinutulan ni dating Speaker Cayetano

Sinopla ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na magkaroon lang ng isang quarantine status sa buong Pilipinas.

Ayon sa dating pinuno ng Kamara, hindi uubra para sa lahat ang pagsailalim sa buong bansa sa modified general community quarantine o MGCQ.

Paliwanag ni Cayetano, dedepende sa kahandaan at sa bilang ng COVID-19 cases sa bawat lugar ang quarantine status kaya mas mainam na ipaubaya ito sa mga lokal na pamahalaan base sa sitwasyon ng kanilang lugar.

Inihalimbawa nito ang sentimyento ng ibang lugar na gusto nang magbukas ng turismo pero hindi pinapayagan dahil ginagaya ang sitwasyon sa Maynila.

Kapareho rin aniya ito sa planong pagbubukas ng mga sinehan.

Sabi ng kongresista, may mga siyudad na handa na para dito basta’t naka-mask naman at face shield.

Pero hindi aniya ito uubra sa lahat dahil may mga lugar na hindi na pa rin nagbabago ang pag-uugali ng mga tao na nagtatanggal ng face mask.

Read more...