Mga Katoliko, pinaalalahanang sumunod sa health protocols kasabay ng Ash Wednesday

Photo grab from PCOO Facebook video

Pinaalalahanan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Katolikong mananampalataya na mag-ingat at patuloy na sumunod sa itinakdang health protocols laban sa COVID-19.

Pahayag ito ng Palasyo kasabay ng paggunita sa Ash Wednesday.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinapayagan lamang ng pamahalaan ang 50 porsyento capacity sa mga simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Iginiit pa ni Roque na gaya ng paulit-ulit na paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte, maghugas ng kamay, magsuot ng mask at umiwas sa isa’t isa.

Dapat aniyang pag-ingatan ang buhay lalo’t parating na ang bakuna kontra COVID-19 sa loob ng buwan ng Pebrero.

Una nang sinabi ng Simbahang Katolika na magiging contactless na ang paglalagay ng abo sa Ash Wednesday.

Read more...