Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (February 17), umabot na sa 553,424 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,814 o 5.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,184 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsyento ang asymptomatic; 0.83 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 2.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 53 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,577 o 2.09 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 271 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 512,033 o 92.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.