Dagsa ang mga Katolikong mananampalataya sa Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church sa Maynila.
Ito ay para gunitain ang Ash Wednesday o ang pagsisimula ng 40 araw na Kuwaresma.
Pero dahil sa pandemya sa COVID-19, nabago ang tradisyunal na paglalagay ng abo sa noo.
Sa halip na lagyan ng krus sa noo gamit ang abo, binubuhusan na lamang ng pari ang mananampalataya ng abo sa ulo.
Sa ganitong paraan ay nagiging contactless na ang paglalagay ng abo para makaiwas sa COVID-19.
Ayon kay Manila Bishop Broderick Pabillo, pinakamahalagang pangyayari ito sa kaligtasan.
Ayon kay Bishop Pabillo, ang paglalagay ng abo ay tanda ng penetensya o pagsisisi sa mga kasalanang nagawa.
MOST READ
LATEST STORIES