Bilang ng aktibong COVID-19 cases sa Eastern Visayas, nasa 377

May 43 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (February 17), umakyat na sa 14,969 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 377 o 2.52 porsyento ang aktibong kaso.

65 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 14,390 o 96.13 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 202 na ang mga residenteng nasawi o 1.35 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...