Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 110,035,633 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 28,381,220 cases.
Sumunod na rito ang India na may 10,937,320 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 9,921,981 naman ang kaso sa Brazil habang 4,099,323 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,058,468
– France – 3,489,129
– Spain – 3,096,343
– Italy – 2,739,591
– Turkey – 2,602,034
– Germany – 2,352,766
– Colombia – 2,202,598
– Argentina – 2,033,060
– Mexico – 2,004,575
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,429,811 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 84,851,195 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.