Kumpiyansa si Senator Grace Poe na malaki ang maitutulong ng pagiging ganap na batas ng Financial Institutions Strategic Transfer (FIST).
Aniya napapanahon ito dahil sa kinahaharap na krisis pangkalusugan dala ng COVID 19.
“(The) law is a measure designed for tough times, and we are glad it is now institutionalized into our financial system,” sabi ng senadora.
Aniya ang puso ng batas ay ang mamamayan at ang kanilang trabaho at kabuhayan para ang mga ito ay mabigyan proteksyon ngayon may pandemya.
“Giving banks and financial institutions a lifeline will mean more credit access for businesses, preservation of jobs and even generation of new ones as economic activities continue,” dagdag pa ni Poe.
Diin niya napakahalaga ng trabaho para sa pagsigla muli ng ekonomiya.