Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Mindanao.
Sa 11am weather bulletin ng PAGASA, sinabi nito na pumasok sa PAR ang Tropical Depression Auring dakong 8am kanina.
Ito ang kauna-unahang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taong 2021.
Kikilos ang Tropical Depression Auring patungo kanluran o kanluran-timog-kanluran sa susunod na 12 oras.
Matapos ito ay kikilos ang nasabing sama ng panahon patungong kanluran-hilagang-kanlurang direksyon at inaasahang magla-landfall sa Caraga Region sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga bilang isang Tropical Storm, ayon sa PAGASA.
Hindi pa naman nakaaapekto sa anumang bahagi ng bansa ang Tropical Depression Auring.
MOST READ
LATEST STORIES