Calvin Abueva ibinalibag ng Phoenix sa Magnolia kapalit ni Chris Banchero

Photo by Tristan Tamayo INQUIRER.net

Matapos papirmahin ng three-year extension ng Phoenix noong nakaraang Disyembre, ipinagpalit ng Phoenix Fuel Masters si Calvin ‘The Beast’ Abueva kay Chris Banchero ng Magnolia Hotshots.

Halagang P15 milyon ang pinirmahang kontrata ni Abueva sa Phoenix.

Nakuha naman ng Magnolia ang 1st round draft pick ng Phoenix.

Nakawala man si Abueva kay coach Topex Robinson, ang kanyang coach sa San Sebastian College at Phoenix, makakasama naman niya sa Magnolia ang kanyang Stags team mate Ian Sangalang.

Read more...