277 pang residente, tinamaan ng COVID-19 sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 277 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang February 16, 33,703 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 5,075 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 483 ang bagong gumaling kung kaya 27,115 na ang COVID-19 recoveries.

May apat namang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,513 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...