Alaminos-San Pablo City Bypass Road sa Laguna, bubuksan sa March 15

DPWH photo

Inanunsiyo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na bubuksan na sa mga motorista ang 2.85-kilometer section ng Alaminos-San Pablo City Bypass Road Phase 1 Project sa Laguna sa March 15, 2021.

Inihayag ito ng kalihim kasabay ng progress inspection sa naturang proyekto.

“This may only be just a small portion of the 12.83-kilometer Alaminos-San Pablo City Bypass Road but this marks the non-stop efforts of the Department to improve road network to support underdeveloped areas,” pahayag ni Villar.

Dagdag pa nito, “The entire Alaminos-San Pablo City Bypass Road with five (5) bridge components is envisioned to cut travel time by as much as 20-40 minutes, thereby improving mobility between the two (2) towns of Laguna.”

Sa ngayon, nakumpleto na ng kagawaran ang 4-kilometer road opening at 1.63-kilometer road concreting; 1.22-kilometer road opening, konstruksyon ng Bridge 1, 2, at 3 at ang 1.92-kilometer road concreting.

Patuloy namang ginagawa ang limang segments kung saan sakop ang konstruksyon ng Bridge 4 at 5.

Puspusan din ang konstruksyon sa 5.31-kilometer road concreting, 2.45-kilometer road na may line canal, at widening ng Bridge 1 at 2.

Umabot na sa P1.36 bilyon ang kabuuang pondong inilaan sa naturang proyekto at kakailanganin pa ng P473 milyon para sa widening ng Bridge 3, 4, at 5.

Read more...