P30-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Manila International Container Port Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at MICP X-ray Inspecrion Project (XIP) ang mga smuggled na sigarilyo.

Inilabas ang alert order laban sa shipment na naka-consign sa isang MBS Cargo Movers.

Una itong idineklara bilang ‘Personal Effects.’

Ngunit nang isalang sa eksminasyon, nadiskubre na naglalaman ito ng 820 master cases ng Astro brand cigarettes.

Tinatayang nagkakahalaga ang nakuhang smuggled na sigarilyo ng P30 milyon.

Magsasagawa ang ahensya ng mas masusing inventory at imbestigasyon para sa pagsasampa ng kaso dahil sa posibleng paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA).

Read more...