Ayon kay Salceda, kailangan ng logistics, at dapat ding matukoy at mapondohan ang cold storage facilities.
Bukod dito, kailangan an8yang matiyak ang ligtas at maayos na pagbiyahe ng mga bakuna at mga tuturukan.
Dagdag pa ni Salceda, dapat ding magsanay at maprotektahan ng mga health worker na may mahalagang papel sa vaccine value chain.
Giit nito, ang procurement ay kalahati lamang ng problema.
Ayon sa mambabatas, kailangang tulungan at bigyang suporta ang mga LGU upang magawa ang mga nabanggit.
Dahil dito, kailangang maging malinaw ang vaccination guidelines ng Department of Health (DOH) at tiyakin na makakasunod ang LGUs sa standards.