Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (February 16), umabot na sa 552,246 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 28,926 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,391 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 0.85 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 2.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa pito naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,524 o 2.09 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 45 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 511,796 o 92.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.