Magnitude 3.1 na lindol, naramdaman sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental, Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 140 kilometers Southeast ng Sarangani.

Naramdaman ang pagyanig bandang 3:23 ng hapon.

May lalim ang lindol na 30 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa Sarangani at karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...