Lacson kay Duterte: Ikaw ang magbasa ng Constitution

Binuweltahan ni Senador Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte na magbasa ng 1987 Constitution.

Tugon ito ni Lacson sa pahayag ng Pangulo na kinakailangan na magbasa ng senador sa Constitution dahil ang Pangulo lamang umano ang may bukod tanging karapatan sa pagdi-desisyon sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa tweet ni Lacson, ipinunto nito ang Section 12 ng Article 7 ng Constitution na nagsasaad na kinakailangan na aprubahan ng two-thirds ng buong miyembro ng Senado ang isang treaty o international agreement.

“Mr President, read the 1987 Constitution. A senator has something to do with international agreements. Article VII SECTION 21. No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the Members of the Senate,” saad ng tweet ni Lacson.

Una rito, binanatan ni Pangulong Duterte si Lacson dahil sa naging pahayag nito na hindi extortionista ang Pilipinas.

Partikular na tinutukoy ni Lacson ang pahayag ng Pangulo na kinakailangan na magbayad ang Amerika kung nais nitong mapanatili pa ang VFA na una na niyang ibinasura.

 

Read more...