2 kapitbahay ng OFW na may UK variant COVID 19 sa QC, nagpositibo

Dalawang residente ng Barangay Commonwealth sa Quezon City ang nag-positibo din sa UK variant ng COVID 19, ayon sa pamahalaang-lungsod.

Ang dalawa na may edad 36 at 44 ay nakatira may 50 metro lang ang distansiya mula sa OFW na nagpositibo na sa UK variant at ngayon ay naka-quarantine na.

Nagsagawa na ng contact tracing ang lokal na pamahalaan sa naging closed contacts ng dalawang bagong kaso at lahat naman ay negatibo ang resulta.

Dinala na ang dalawang bagong pasyente sa quarantine facility ng LGU at ipinadala na rin ang kanilang samples sa Philippine Genome Center for genome sequencing.

Kasabay nito,  natunton at na-test na ang 196 indibiduwal na unang nakasalamuha ng OFW kasama ang Grab driver na naghatid sa kanya sa quarantine hotel sa Maynila, anim na hotel personnel at ang kanyang naging kasama sa tinuluyang apartment sa lungsod.

Ang lahat ay nag-negatibo din sa COVID 19.

Read more...