13 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

May 13 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 15, nasa 14,671 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 86 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,461 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 11 naman ang bagong gumaling kung kaya 9,231 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala namang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 979 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,103 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,846 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 855 naman ang kaso sa Americas at 2,867 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...