Kaninang ala-5 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, nakapagtala ang Phivolcs ng 50 mahihinang tremor episodes.
Bukod pa dito ang naitalang 68 shallow tremor episodes sa Taal Volcano Island simula noong Sabado.
Nagkaroon din ng pagtaas ng temperature at ‘increase in acidity’ sa Main Crater Lake.
“The public is reminded that Alert Level 1 (Abnormal) prevails over Taal Volcano. There are increased possibilities of sudden steam-driven or phreatic explosions, hazardous volcanic gas, and minor ashfall from the Main Crater Lake that can occur and threaten areas within TVI,” ang abiso ng Phivolcs.
Paglilinaw naman ng ahensiya na wala pang mga palatandaan sa napipintong pagsabog muli ng bulkan.
“DOST-PHIVOLCS strongly recommends that entry into TVI, Taal’s Permanent Danger Zone or PDZ, especially the vicinities of the Main Crater Lake and the Daang Kastila fissure, must remain strictly prohibited,” dagdag paalala pa ng ahensiya.
Huling sumabog ang bulkan Enero 20 ng nakaraang taon.