Wanted na Polish national, arestado sa Siquijor

Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na 52-anyos na Polish national dahil sa sexual offenses sa mga menor de edad.

Ayon kay BI Fugitive Search Unit (FSU) chief Bobby Raquepo, nahuli si Dariusz Zygmunt Ziolkowski sa Siquijor, Siquijor.

“We have received official communication from Polish authorities informing us of his standing warrant of arrest,” ani Raquepo.

Katuwang ng BI sa operasyon ang katuwang ang Siquijor Police Provincial Office and Siquijor MPS at Barangay Candanay Sur.

Matapos mapag-alaman ang mga krimen ni Ziolkowski, agad naglabas si BI Commissioner Jaime Morente ng mission order.

“Predators targeting the vulnerabilities of our children are not welcome in this country,” pahayag ni Morente at dagdag pa nito, “We are in close coordination with international law enforcement agencies and foreign counterparts in our active search for these criminals, so we may weed them out from our land.”

Sa datos ng ahensya, may kinakaharap na warrant of arrest ang dayuhan na inilabas ng District Court of Wroclaw Fabryczna, Poland noong 2018 dahil sa sexual offenses.

Mayroon ding inilabas na European warrant of arrest laban kay Ziolkowski noong September 2020.

Sa ngayon, si Ziolkowski ay nasa kustodiya ng Siquijor Municipal Police Station habang hinihintay ang resulta ng kaniyang COVID-19 RT-PCR test bago dalhin sa BI Warden Facility sa Taguig

Read more...