Arraignment ni CJ Renato Corona muling naudlot

 

Inquirer file photo

Hindi na naman natuloy ang arraignment ni dating Chief Justice Renato Corona para sa kasong perjury at paglabag sa code of conduct for government officials and employees.

Ang kasong ito ay may kaugnayan sa misdeclaration umano ng yaman ni Corona sa kanyang statement of assets, liabilities and networth o SALN.

Hindi dumating si Corona sa third division ng Sandiganbayan kanina, sa halip ay ang kanyang abogado lamang ang dumating sa korte.

Ang pagkakaudlot ng arraignment ni Corona ay dahil sa inamiyendahan ng prosekusyon ang impormasyon ng kaso ng dating Punong Mahistrado.

Binigyan naman ng korte ang depensa at prosekusyon ng tig limang araw para magsumite ng komento at sagot kaugnay ng amended information.

Itinakda naman ng third division ang bagong schedule para sa arraignment ni Corona sa June 20, 1:30 ng hapon.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na naudlot ang pagbasa ng sakdal kay Corona.

 

Read more...