21 katutubong estudyante, guro kinuha ng PNP sa ‘evacuation school’ sa Cebu City

PHOTO GRAB – SOS FB VIDEO

Nagkagulo at nagkasakitan nang puwersahang kinuha ng mga pulis ang 21 estudyante at guro sa Lumad Bakwit School sa Talmban campus ng University of San Carlos sa Cebu City.

Nabatid na ang mga ‘bakwit’ ay mula sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao at lumikas dahil sa sinasabing militarisasyon sa kanilang lugar.

Sa pahayag ng Save Our Schools Network, 15 estudyante ang kasama sa mga kinuha ng mga pulis, kasama ang dalawang guro at dalawa pang katao.

Sa live video feed ng operasyon, mapapanood na nagsisigawan ang mga estudyante habang pinipilit silang makuha ng mga pulis.

“Their parents were supposedly forced and fetched out of their community in Davao del Norte by the military and the local government to justify this blatant attack,” ayon sa pahayag ng Save our Schools network.

Sinabi naman ni Police Brig. Gen. Brandi Usan, ang tagapagsalita ng PNP, iniligtas lang nila ang mga bata, na aniya ay mga galing sa Talaingog, Davao del Norte, sa kamay ng ilang naaresto sa operasyon.

Dagdag pa nito, malaking dagok sa Communist Terrorist Group ang pagkakaligtas sa mga bata, na aniya ay hinihubog para maging rebelde.

Read more...