Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (February 15), umabot na sa 550,860 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,588 o 5.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,685 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
86.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.9 porsyento ang asymptomatic; 0.86 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 2.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa dalawa naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,517 o 2.09 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 14 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 511,755 o 92.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.