Sa pagdinig ng House committee on Public Accounts, sinabi ni SSS Chief Actuary Edgar Cruz, nasa P540 billion pa ang kanilang reserve fund.
Pero ayon kay Cruz, panandalian lang ang kayang i-sustain nito dahil kung hindi maipatutupad ang reporma ay iiksi ang fund life ng ahensya.
Paliwanag ng opisyal, hindi pwedeng kung kailan paubos na ang pondo ay saka lang gagawa ng paraan dahil ang reporma ay unti-unting ipinatutupad sa mahabang panahon.
Sinegundahan ito ni SSS President and CEO Aurora Ignacio na nagsabing hanggang dalawang taon lang ang kakayaning operasyon ng SSS base sa kanilang reserve fund.
Mas malaki anyang parte mula sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro ang napupunta sa pension benefits at yung matitira lang ang nadadagdag sa reserve funds.