Kabataang edad 15 – 17 puwede nang lumabas ng bahay

Maari na rin makalabas ang mga kabataang edad 15 hanggang 17.

Ito ang inanunsiyo ng Metro Manila Council (MMC).

Sinabi ni Parañaque City Mayo Edwin Olivarez, na siya rin namumuno sa MMC, malabo naman kung iisipin na pinayagan na ng National Task Force ang pagbubukas ng mga sinehan at arcade kung hindi pa rin papayagan ang mga kabataan na lumabas.

Katuwiran niya mga bata at kabataan ang kadalasan nasa mga arcade at sinehan.

Sinabi niya na napagkasunduan sa MMC na ibaba pa ang edad ng mga maari ng lumabas ng bahay dahil aniya tanging ang Pilipinas na lang ang tanging pinapayagan ay ang mga edad 18 hanggang 65.

Pagdidiin lang nito, mahigpit pa rin na ipapatupad ang minimum safety and health protocols.

Aniya makakatulong sa pagpapasigla muli ng ekonomiya ang paglabas ng mga kabataan.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na siya ay personal na tutol sa pagbubukas muli ng mga sinehan at arcade at maraming alkalde sa Metro Manila ang tutol din sa desisyon ng IATF.

Read more...