Gov’t COVID 19 vaccination program, pinabubusisi sa Kamara

DOH photo

Inihirit ni House Deputy Speaker Benny Abante (Manila) ang kanilang Committee on Health para mabusisi sa Kamara ang National Vaccination Program.

Sa inihain ni Abante na House Resolution No. 1573 nais malaman ng mambabatas kung paano ikakasa ang Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID 19 vaccines, mula sa pagkuha ng mga suplay hanggang sa pagtuturok ng bakuna.

Katuwiran niya sa paghahain ng resolusyon, napakahalaga ng congressional oversight sa plano dahil makakaapekto ito sa kanilang mga kababayan.

Ang plano ay pinagtibay ng gobyerno noon pang Enero at ipapatupad ito ng National Task Force, regional and local COVID 19 task forces, maging ng regional and local COVID 19 vaccination operation centers.

Sa susunod na linggo, inaasahan sa pagdating sa bansa ng unang batch ng libo-libong bakuna.

Read more...