Pre-Valentine’s Day killing: Dating pulis pinatay ang nagtanan sa anak

Inaresto ang isang dating pulis kaugnay sa pagpatay sa isang lalaki sa Zamboanga City.

Sinabi ni Police Maj. Chester Natividad, hepe ng Station 11, ang pag-aresto sa 65-anyos na si Abdulmiri Asa Jamili ay base sa CCTV footages.

Si Hakim ang nakitang bumaril at nakapatay kay Radzkamar Muharram Hakim, Maluso, Basilan, noong Sabado, isang araw bago ang paggunita sa Valentine’s Day.

Nabatid na itinanan ng biktima ang anak na babae ng biyudong suspek noong 2019.

Read more...