1,928 kaso ng COVID-19 naitala ngayong araw; 8 bagong nasawi

Muli na namang nakapagtala ng mas mababa sa dalawang libong bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health ngayong araw.

Ayon sa DOH, nakapagtala sila ng 1,928 na kaso dahilan upang umakyat sa 549,176 ang mga nagpositibo sa sakit.

Mayroon namang 25,918 na aktibong kaso.

8 ang nadagdag na nasawi at pinakamababa mula  noong January 17. Sa kabuuan, mayroon ng 11,515 ang namatay sa COVID-19.

10,967 naman ang bagong gumaling kaya may kabuaang 511,743 na ang nakarecover sa sakit.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7%  ang aktibong kaso, 93.2% na ang gumaling, at 2.10%  ang namatay.

Ayon sa Department of Health, inalis sa listahan ang naunang pitong kaso na nagkadoble sa pagpapasok ng datos kung saan apat sa mga ito ay gumaling na.

Mayroon namang isang kaso na naitala bilang nakarecover pero matapos ang final validation ay napag-alamang namatay pala.

Limang laboratoryo ang bigong magsumite ng kanilang datos ayon pa sa DOH.

 

Read more...