LOOK: DOTr Hugot lines ngayong Valentine’s Day

Kinaaliwan ng mga netizen ang hugot lines ng Department of Transportation ngayong Araw ng mga Puso.

Sa facebook page ng DOTr mababasa ang mga nasabing hugot lines.

Nakasaad sa isang post na “Magpahiwatig ka naman kung LALAYO KA NA. Mahirap kasi yung kasabay mo, steady lang, pero ikaw, nagmamadali na palang mang-iwan. Signal-signal din ‘pag may time.”

Sa isa pang post ng DOTr nakasaad na, ‘Yung totoo? Sanay ka na ba sa pagiging COLD n’ya? Este ng  MRT pala?”

Nakalagay din sa facebook post ng ahensya ang mga linyang “Sa love, ‘wag lang puro HEART! Ingatan din and HEAD!  Ganon din sa kalsada kung magmo-motor ka. SAFETY MATTERS!”

Sabi ng isang netizen, “Panalo talaga ang DOTR sa mga hugot lines! Mags ignal kayo kapag lilipat ng lane! Nakaka aksidente kayo ng puso!!!”

Ang isa naman may pasaring pa, “Iyong bagon ng mrt 3 na humiwalay habang tumatakbo… Result of poor maintenance of past admin. Good job dotr for actions done at mrt3… Hindi na sya mang iiwan pa…”

 

 

 

Read more...