Oras ng voter registration, pinalawig ng Comelec

Pinalawig ng Commission on Elections ang oras ng voter registration bilang paghahanda sa May 9, 2022 National and Local Elections.

Sa abiso ng Comelec gagawing 8am hanggang 5pm ang pagpaparehisttro ng mga bagong botante mula araw ng Martes hanggang Sabado kabilang ang mga holiday.

Magsisimula ito bukas, February 15.

Gagawin namang Biyernes hanggang Lunes sang disinfection sa mga tanggapan ng Comelec bukod pa sa araw-araw na ginagawa.

Sarado ang mga tanggapan ng Comelec sa buong bansa kapag araw ng disinfection.

 

Read more...