Sen. Bong Go sa mga walang ka-date: Narito kami ni Pangulong Duterte

 

Para sa mga naghahanap ng magmamahal sa Araw ng mga Puso, inaalok ni Senador Bong Go ang kanyang sarili at si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Go, patuloy ang paalala ng pamahalaan sa publiko na tiyaking sumunod sa mga itinakdang health protocol para makaiwas sa Covid 19.

“Happy Valentine’s Day saa mga Filipino. Para sa mga walang date diyan, narito kami ni Pangulong Duterte na nagmamahal sa inyo,” pahayag ni Go.

“Sa darating na Araw ng mga Puso, mag-ingay. Mag face mask kayo dahil talagang delikado pa ang panahon habang hinihintay natin ang binibiling vaccine ng gobyerno,” pahayag ni Go.

Pagtitiyak ni Go, ligtas ang mga binibiling bakuna ng gobyerno.

Kasabay nito, sinabi ni Go na nakipagpulong din kahapon si Pangulong Duterte sa Clark, Pampanga ang mga naulilang kaanak ng helicopter crash sa Bukidnon.

Patay ang pitong sakay ng helicopter.

Read more...