“Hindi ako kapit-tuko.”
Pahayag ito ni Land Transportation Office Assistant Secretary Edgar Galvante sa panawagan ni Senador Richard Gordon na magbitiw na sa puwesto dahil sa sunod-sunod na reklamo sa LTO.
Ayon kay Galvante, susundin niya kung ano ang utos sa nakatataas.
Iginiit pa ni Galvante na hindi siya magdadalawang isip na magbitiw sa puwesto kung ipag-uutos sa taas.
“Ako’y… hindi naman ako kumbaga kapit-tuko sa aking puwesto ‘no. Susundin ko kung ano ang utos ng nakatataas sa akin. Kung iyan ang kautusan ng nakatataas sa akin, walang hesitation na ako’y magbibitiw,” pahayag ni Galvante.
Una rito, nagbukas na ang Senado ng online complaint desk para sa mga pang-aabuso umano na ginagawa sa LTO.
Kabilang sa mga kontrobersiya na bumabalot ngayon sa LTO ang ipinatutupad na car seat law at ang motor vehicle inspection system.