Nagtakda ng bagong schedule ang Commission on Elections para sa pagpapa-rehistro sa mga botante sa May 9, 2022 elections.
Sa pahayag ng Comelec, maaring magpa-rehistro ang mga overseas voters simula sa Abril 10, 2021 hanggang Setyembre 30, 2021.
Bukas ang pagpapa-rehistro mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Maari lamang magtungo sa Comelec office sa Ground Floor, Palacio del Gobernador Building, General Luna St., Intramuros, Manila; Department of Foreign Affairs (DFA) – Aseana, Bradco Avenue cor. Macapagal Boulevard, Aseana Business Park, Parañaque; Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Blas F. Ople Building, Ortigas Avenue cor. EDSA, Mandaluyong; Maritime Industry Authority (Marina), SM Manila Satellite Office, Almeda-Lopez cor. A. Villegas at 1000 San Marcelino St., Ermita, Manila.