National Food Security Summit isasagawa sa Abril 7-8

File Photo

Itinakda na ng Department of Agriculture sa Abril 7 at 8 ang National Food Security Summit.

Tugon ito ng DA sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng food security summit para matugunan ang problema sa kakapusan ng suplay ng pagkain sa bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary Noel Reyes, gagawing physical at virtual ang food summit.

Gayunman, hindi pa matukoy ng DA kung saan gagawin ang food summit.

Kabilang sa mga tatalakayin sa food summit ang African Swine fever kung saan tumaas ang presyo ng karneng baboy, ang presyo ng palay na lubhang bumaba dahil sa ipinasang Rice Tariffication Law at iba pa.

 

Read more...